Philippine Embassy sa New Zealand, nagbabala na rin sa monkeypox virus

79

Nag-abiso na rin ang Philippine Embassy sa New Zealand sa mga Pilipino doon hinggil sa inaasahang pagtaas ng kaso ng monkeypox virus doon.

Ito ay matapos na makapagtala na rin ng kaso ng monkeypox virus sa Auckland.

Una nang nag-abiso ang health officials sa New Zealand na dapat panatilihin ang palaging pagsusuot ng face mask para makaiwas sa monkeypox virus at COVID-19.


Ito ay bagama’t magkaiba ang nasabing virus at magkaiba ang paraan ng pagkalat nito.

Sa harap din ito ng pagtaas na naman ng kaso ng COVID-19 sa ilang mga bansa

Facebook Comments