⚠𝗧𝗥𝗜𝗚𝗚𝗘𝗥 𝗪𝗔𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚: 𝗠𝗘𝗡𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢𝗙 𝗦𝗨𝗜𝗖𝗜𝗗𝗘/𝗗𝗘𝗔𝗧𝗛 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗧𝗜-𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

Cauayan City – Nakasabit at wala nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang binata sa isang bahay kubo sa Brgy. San Luis, Cauayan City, Isabela.Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Cauayan City Police Station, ang biktima ay isang 27-anyos na driver, tubong Daccal Fugu, Camalanuigan, Cagayan at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. San Luis.

Bandang alas syete ng umaga ngayong araw ng matagpuan umano ng kasamahan nito ang katawan ng biktima na nakabigti sa kubo gamit ang isang lubid.

Ayon sa pagsisiyasat ng kapulisan, nito lang rin ika-21 ng Mayo ay mayroong ipinadalang video ang biktima sa kaibigan ng karelasyon nito kung saan sinubukan na nitong magpakamatay sa pamamagitan ng paglalaslas.


Samantala, bago ang pagpapatiwakal ng biktima nakipag-inuman pa umano ito kung saan dito nga ay inilabas nito ang sakit na kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng pag-iyak matapos umano nilang maghiwalay ng kanyang long distance partner.

Facebook Comments