Solid 7, magre-regroup pagkatapos ng mahabang bakasyon ni Senator Migz Zubiri

Magre-regroup ang ‘Solid 7’ pagkabalik ni Senator Migz Zubiri mula sa bakasyon.

Ayon kay Zubiri, tatlong linggo siyang magbabakasyon kasama ang kanyang pamilya at sa pagkakataong ito ay maibibigay niya na ang kanyang ‘undivided attention’ sa kanyang asawa at mga anak.

Nilinaw ni Zubiri na personal ang kanyang biyahe na may kaunting ‘me time’ at kaunting ’emotional at mental break’ sa mga saksakan sa likod na nangyayari sa pulitika.


Pagkatapos na aniya ng bakasyon ay saka sila magre-regroup na mga miyembro ng Solid 7 para desisyunan ang magiging direksyon ng kanilang bloc kung saan pupunta at saang grupo talaga sila sasama.

Ayaw naman magkomento ng dating Senate president tungkol sa naging pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na alam niya na ang mangyayaring pagbabago sa liderato ng Senado pero wala siyang tinawagan na kahit na sino sa mga senador.

Sinabi ni Zubiri, bahala na aniya sila at taumbayan na lamang ang humusga.

Facebook Comments