⚠𝗧𝗪: 𝗦𝗘𝗡𝗦𝗜𝗧𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗞𝗦𝗔 MANGINGISDA, GINILITAN NG LEEG ANG SARILI

Cauayan City – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang mangingisda sa bayan ng Claveria, Cagayan matapos nitong kitilin ang kanyang sariling buhay sa pag-aakalang patay na ang kanyang misis.

Sa isinagawang imbestigasyon ng PNP Claveria, una rito, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa na humantong sa pananaksak.

Dahil dito, inakala umano noon ng asawang lalaki na binawian na ng buhay ang kaniyang asawa.


Dahil sa labis na konsensya, nagdesisyon rin itong sumunod sa pamamagitan ng paglalaslas sa kanyang leeg na kanyang agarang ikinasawi.

Gayunman, sinubukan pa rin isugod sa ospital ang mag-asawa at dito ay nagawang mailigtas ang asawang babae ngunit dineklarang dead on arrival ang mangingisda.

Sa ngayon, kasalukuyan pa ring inoobserbahan ang kalagayan ng babaeng biktima habang hindi pa rin matukoy ang pinagmulan ng pagtatalo ng mga ito.

Facebook Comments