Malakanyang, hinihikayat ang publiko na umiwas sa paninigarilyo

Hinikayat ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko na iwasan ang paninigarilyo.

Kasunod ito ng paggunita ng “No Tobacco Day” sa bansa.

Sa inilabas na pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), alam naman ng publiko ang masamang dulot ng paninigarilyo kaya habang maaga pa ay alagaan ang kalusugan at umiwas na sa mga bisyo.


Dagdag pa ng PCO, hindi lamang first-hand smoker ang naapektuhan ng paninigarilyo kundi pati na rin sa mga nakalalanghap ng usok mula rito.

Facebook Comments