𝐃𝐑𝐀𝐘𝐁𝐄𝐑, 𝐏𝐀𝐓𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐋𝐏𝐔𝐊𝐈𝐍 𝐍𝐆 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐔𝐓𝐈𝐋𝐈𝐓𝐘 𝐕𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐓𝐑𝐈𝐂𝐘𝐂𝐋𝐄

48
Nasawi ang isang tricycle driver matapos itong salpukin ng isang Utility van ang kanyang minamanehong tricycle sa kahabaan ng National Highway, Brgy. Gosi Norte, Tuguegarao City, kahapon ng hapon, Agosto 9, 2022.

Kinilala ang biktima na si Tomas Badajos Quindatan, 55 taong gulang, tricycle driver at residente ng Zone 5, Ballad St., Brgy. Tanza, Tuguegarao City habang ang suspek naman ay kinilalang si Carl Cauilan Asuncion, 22 taong gulang, walang trabaho at residente ng Brgy, Lingus sa Solana.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Cagayan Provincial Information Office, pabalik na sa Tuguegarao City ang biktimang tricycle drayber mula sa paghatid nito sa kanyang pasahero mula Eastern Brgy. nang bigla itong salpukin ng sasakyan ng suspek.

Sa kuha ng CCTV sa lugar, nakitang umagaw ng linya ang suspek na nagresulta sa head-on collision sa pagitan ng dalawang sasakyan.

Dead on the spot ang tricycle drayber matapos tumilapon sa kalsada sa lakas salpukan ng dalawang sasakyan.

Napag-alaman namang nasa impluwensiya ng nakakalasing na alak ang lalaki, sanhi upang mawalan ito ng kontrol sa manibela ng minamanehong sasakyan batay sa alcohol breath test kay Asuncion.



Nasa kustodiya naman ang suspek ng PTU Don Domingo, sa Tuguegarao City.

Facebook Comments