BARANGAY KAPITAN, PATAY SA PAMAMARIL NG RIDING IN TANDEM

Patay ang isang barangay kapitan matapos barilin ng riding in tandem sa Anurturu, Rizal, Cagayan bandang 3:00 ng hapon, Agosto 10, 2022.

Kinilala ang biktima na si Barangay Captain Robert Cauilan De Ocampo, Barangay Chairman ng Anurturu, Rizal, Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan sa Cagayan Provincial Information Office, binabaybay ng biktima ang kalsada ng Brgy. Gumarueng sa bayan ng Piat nang biglang hinarang siya ng riding in tandem na lulan ng isang silver-gray na NMAX motorsiklo at ito’y pinagbabaril na nagresulta sa pagkamatay nito.

Naglabas naman agad ng alarma at nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan at madakip ang mga suspek.

TAGSl RIDING IN TANDEM, PNP, BARANGAY CAPTAIN, CAGAYAN

Facebook Comments