π‡πˆπ†πˆπ“ 𝟏𝟎𝟎 ππ”π‹πˆπ’, π’πˆππ€πŠ 𝐒𝐀 πˆππ“π„π‘ππ€π‹ π‚π‹π„π€ππ’πˆππ† ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ 𝐍𝐆 𝐏𝐍𝐏

Mahigit 100 pulis ang nasibak sa serbisyo mula 2016 hanggang 2021 dahil sa Internal Cleansing program ng pambansang pulisya.

Sa nakuhang impormasyon mula sa Police Regional Office 2 (PRO 2), may kabuuang 118 na mga pulis ang sibak sa kanilang serbisyo at natanggalan din ng mga benepisyo mula sa gobyerno.

Ayon kay PMAJ Melchor Aggabao, Chief, Chief, Discipline Law and Order Section (DLOS), ang regional headquarters ang may pinakamaraming personnel na tinanggal sa pwesto na nasa 44 ang bilang, ito ay sinundan ng Cagayan PPO na may 19, Isabela PPO -12, Santiago City Police Office-10, Nueva Vizcaya PPO-2, Regional Headquarters Support Group-6, Regional Mobile Force Battalion-5, Quirino PPO-2 at Batanes PPO na may isang pulis na nasibak sa serbisyo.

Batay sa record ng DLOS, limang pulis ang sangkot sa iligal na droga habang ang karamihan naman ay natanggal dahil napatunayang guilty sa Grave Misconduct and Grave Neglect of Duty (Absent Without Official Leave) at ang iba pa ay sibak dahil sa Conduct Unbecoming of an Officer.

Sinabi ni PRO2 Regional Director, PBGEN Steve Ludan na ang pagkasibak ng mga tiwaling pulis ay dahil sa pinaigting na Internal Cleansing sa Cagayan Valley Region na nagsimula noong administrasyon ni dating pangulong Rodrigo Duterte para sa kapakanan ng organisasyon.

Facebook Comments