
β
βCauayan City – Malungkot na trahedya ang bumalot sa Ghaziabad, Uttar Pradesh, India nang mamatay ang tatlong magkakapatid na menor-de-edad – isa ay 16- anyos, 14-anyos, at 12-anyos – matapos tumalon mula sa ika-siyam na palapag ng kanilang tahanan noong Huwebes, Pebrero 4, 2026.
β
βAyon sa ulat, nagsimula ang insidente matapos pagbawalan sila ng kanilang ama na gumamit ng cellphone.
β
βAyon sa mga report mula sa mga local at international media outlet, naging labis ang “addiction” ng mga bata sa Korean dramas, musics, films, at online gaming noong panahon ng ppandemya
β
βDahil dito, nagpasya silang gumamit ng Korean names at huminto sa pag-aaral ng halos dalawang taon.
β
βNatagpuan sa loob ng kanilang tahanan ang isang walong pahinang liham na iniwan ng magkakapatid, kung saan humingi sila ng paumanhin sa kanilang ama at ipinahayag ang matinding pagmamahal nila sa Korean culture na hindi raw nila kayang talikuran.
β
βMayroon ding mga mensaheng nakasulat sa dingding ng kanilang kwarto na nagpapakita ng labis na kalungkutan at pag-iisa na kanilang nararamdaman.
β
βAyon sa mga saksi, pinaniniwalaang nadamay lamang sa insidente ang 14-anyos at 12-anyos na kapatid habang sinusubukan nilang pigilan ang kanilang nakatatandang kapatid.
β
βLubos na nagdadalamhati ang kanilang ama, si Chetan Kumar. Ayon kay Deputy Commissioner of Police Nimish Patel, malaki ang impluwensiya ng Korean culture sa mga bata at maaaring nagdulot ito ng matinding emosyonal na reaksyon.
β
βBinanggit ng pamilya na ito ay isang trahedya na hindi dapat maranasan ng anumang magulang at anak.
Β
β—————————————
β
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan
Facebook Comments










