šˆš‹š€šš† š‘š„š’šˆšƒš„šš“š„ š€š“ šŒš†š€ š„š’š“š”šƒš˜š€šš“š„, š€šš„šŠš“š€šƒšŽ š’š€ šš€š†š’š€š’š€š‘š€ šš† š€š‹šˆš‚š€šŽš‚š€šŽ šš‘šˆšƒš†š„

CAUAYAN CITY- Bahagyang apektado ang ilang residente ng East Tabacal at Forest Region sa pansamantalang pagsasara ng Alicaocao Overflow Bridge sa darating na ika-19 ng Agosto.

Sa panayam ng IFM News Team kay Annaliza Rivera, malubhang apektado umano sa pansamantalang pagsasara ng Alicaocao Overflow Bridge ay ang mga estudyanteng nag-aaral sa bayan kung saan kinakailangan pang umikot ng mga ito sa bayan ng Naguilian.

Aniya, bukod sa mapapahaba ang kanilang byahe ay maaaring madagdagan din ng bente pesos kada byahe ang kanilang pamasahe.


Bukod sa mga estudyante, apektado rin ang pagbyahe ng mga produkto ng mga magsasaka at negosyante patungo sa sentro.

Facebook Comments