Wednesday, April 15, 2026

TATLONG CHARCOAL MAKER, NAARESTO DAHIL SA EPEKTONG NAIDUDULOT NG ULINGAN MALAPIT SA KABAHAYAN SA MANAOAG

Arestado ang tatlong indibidwal sa bayan ng Manaoag matapos umanong lumabag sa Republic Act 8749 o Philippine Clean Air Act kaugnay na paggawa ng uling na nagdulot ng mapanganib na usok malapit sa kabahayan kung saan sila nag- uuling.

Ayon sa awtoridad, inireklamo na sa barangay, sa MENRO at sa tanggapan ng PNP noong buwan ng January 2026. Agad naman rumesponde at binigyan ng babala ng hanay ng PNP, brgy officials at MENRO ang inirereklamong ulingan.

Ngunit matapos nito ay mulinh personal na inireklamo ng complainant ang nasabing ulingan noong February 2 sa tanggapan ng PNP, brgy officials, MENRO. Hindi raw umano ito sumunod sa pakiusap na huwag na mag-uling sa lugar dahil nakakaapekto na ito sa kalusugan ng nga residente partikulat ang hirap sa paghinga dahil sa usok at maging pagkakasakit.

Samantala, dahil hindi pagsunod ng nasabing ulingay ay isinampa laban sa kanila ang RA 8749 – Clean Air Act. Isinailalim na ngayong sa kustodiya ng Manaoag MPS ang mga lumabag para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments