Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj. Esem Galiza, Deputy Chief of Police ng PNP Cauayan, nakatanggap umano sila ng report ukol sa abandonadong backpack na unang pinaghihinalaang naglalaman ng bomba.
Ngunit nang busisiin ito ng mga otoridad ay tumambad ang isang (1) zip lock bag na siksik ng hinihinalang marijuana, isang tissue (1) na may nakabalot din na ilang dahon ng marijuana, isang (1) Predator Laptop na kumpleto sa accessories, at ilang mga answer sheets na mula sa isang unibersidad sa Baguio City.
Napag-alaman rin ng mga otoridad na noong December 20, 2022 pa umano naroon ang bag, ngunit nitong araw lamang ng Huwebes ito naireport sa kinauukulan.
Kasalukuyan pang inaalam ang gramo ng nakumpiskang iligal na droga at ang estimated value nito.
Kaugnay nito, nanawagan si PMaj. Galiza sa mga drayber at operator ng mga pampublikong transportasyon na kung may mamataan na mayroong mga abandonadong bagahe sa kanilang mga sasakyan ay agad na ipaalam sa mga otoridad.