ISA SA MGA SUSPEK SA ISANG RAMBULAN, NADAKIP

Napasakamay na ng kasapi ng PNP Cauayan ang isa (1) sa limang (5) suspek sa naganap na pananaksak sa isang binata sa lungsod ng Cauayan, kamakailan lamang.

Kinilala ang nasabing akusado sa alyas na “Jerry”, 17 taong gulang at residente rin ng lungsod ng Cauayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nadakip umano ang suspek sa gilid mismo ng simbahan habang kasalukuyan din ang Misa de Gallo nitong madaling araw ng Hwebes.

Positibo umano itong itinuro ng isa sa mga biktima rin ng nasabing pananaksak.

Kung kaya’y ng mamataan ng biktima na palakad-lakad sa gilid ng simbahan ang nasabing suspek ay agad nitong ipinagbigay alam sa PNP Cauayan.

Nasampahan na ng kaukulang kaso ang akusado itinurn-over na sa City Social Welfare and Development and ngayon ay nasa Bahay Pag-asa na.

Umaasa naman ang PNP Cauayan na dahil sa matagumpay na pagkakadakip ng isang suspek ay magiging daan narin ito upang masakote narin ang kaniyang apat (4) pang mga kasamahan na hanggang ngayon ay nagtatago pa.

Facebook Comments