ππŸ‘πŸŽ-πŒπˆπ‹π˜πŽπ π‘πŽπ€πƒ ππ‘πŽπ‰π„π‚π“, ππ€π“π€ππŽπ’ 𝐍𝐀

 

CAUAYAN CITY – Matagumpay na natapos ng Department of Public Works and Highways – Nueva Vizcaya 1st District Engineering Office (DPWH-NVFDEO) ang konstruksyon ng Sitio Ordonez Road sa Purok 6A, Sto. Domingo Proper sa Bambang Nueva Vizcaya.

Pinahayag ni District Engineer Marifel Andes na malaking tulong umano ang nasabing road project para sa maayos na access sa transportasyon at kaligtasan ng mga residente.

Maliban dito, inaasahan din na makatutulong ang proyekto sa mabilisang pag-access ng mga mamamayan sa kinakailangang serbisyo at programa ng pamahalaan.


Nasa tatlumpung (30) milyong piso ang inilaang pondo para sa konstruksyon sa ilalim ng Regular Infrastructure Program para sa taong 2023.

Facebook Comments