𝗔𝗟𝗞𝗔𝗟𝗗𝗘 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗧𝗔𝗚𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗗𝗨𝗦𝗧𝗥𝗜𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔-𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦

Sa muling selebrasyon ng Bangus Festival ngayong taon tiniyak ng Dagupan City government ang sapat na suplay ng bangus. Nasa tinatayang mahigit limang libong kilo ng bangus ang gagamitin para sa mga makikiisa sa kalutan ed dalan.

Ayon kay Mayor Belen Fernandez, sa pamamagitan ng mga ganitong aktibidades na ganito ay makakatulong na maka-engganyo ng mga dadayo sa siyudad na tangkilikin pa ang bangus Dagupan. Matutulungan umamo nito ang mga bangus producers at vendors para kumita.

Balak naman ng city government na mas patatagin pa ang industriya ng pag-babangus sa gagawin nitong pakikipagtulungan sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources. Pag-aralan umano nila kung paano pagandahin at pataasin pa ang produksyon ng bangus dagupan, na balak iangat ang presyuhan nito sa merkado. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments