𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗨𝗕𝗨𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗠. 𝗛. 𝗗𝗘𝗟 𝗣𝗜𝗟𝗔𝗥 𝗦𝗧., 𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗚𝗜𝗡𝗛𝗔𝗪𝗔 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗨𝗩 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦 𝗔𝗧 𝗞𝗢𝗠𝗬𝗨𝗧𝗘𝗥

Malaking ginhawa para sa mga PUV drivers sa Dagupan City ang muling pagbubukas ng bahagi ng MH Del Pilar St.

Noong April 22, muling binuksan ang bahagi ng nasabing kalsada para sa lahat ng mga motorista. Kaya naman, hindi na raw diumano iikot pa ang mga jeep na byaheng pa-Bonuan sa PNR Site, gayundin ang mga jeep mula Calasiao na dumidiretso naman sa Herrero-Perez

Dahil dito, nagaanan na rin ang mga komyuter, dahil hindi na nila kailangang maglakad ng malayo upang magtrabaho, o pumasyal sa mga establisyementong nasa nasabing kalsada.

Samantala, hindi pa man tuluyang tapos ang road elevation sa MH Del Pilar St., paglilinaw ng lokal na Pamahalaan na ito ay bahagi pa lamang ng Phase 1. Inaasahan namang itutuloy ang phase 2 sa pagkatapos ng selebrasyon ng Bangus Festival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments