Ipapatupad ang asynchronous classes o distance learning sa lahat ng pampublikong paaralan mula April 29 hanggang 30 base sa kautusan mula sa pamunuan ng Department of Education o DepED.
Kasunod ito ng inilabas ng heat index forecast ng PAGASA kung saan nananatiling mataas ang inaasahang maitatala na damang init sa mga bahagi sa bansa.
Saklaw ng implementasyon ay hindi kinakailangan ng mga teaching at non-teaching personnel na magreport pa sa kani-kanilang paaralan sa nabanggit ng mga petsa.
Samantala, mangilan-ngilang lokal na pamahalaan naman ang nauna na ring nagsuspinde ng klase hanggang ika-2 ng Mayo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments