๐—”๐—ช๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—˜๐—ฆ๐—ฆ ๐—–๐—”๐— ๐—ฃ๐—”๐—œ๐—š๐—ก ๐—จ๐—ž๐—ข๐—Ÿ ๐—ฆ๐—” ‘๐—ก๐—ข ๐—ฅ๐—˜๐—š๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก, ๐—ก๐—ข ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—ฉ๐—˜๐—Ÿ ๐—ฃ๐—ข๐—Ÿ๐—œ๐—–๐—ฌ’ ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—ง๐—ข, ๐—ก๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—Ÿ๐—ข๐—ฌ

Binisita ng Land Transportation Office (LTO) Rosales District Office ang bayan ng Tayug para ihatid sa mga residente ang ibaโ€™t ibat kaalaman ukol sa “No Registration, No Travel Policyโ€ ng ahensya.

Ang kampanyang ito ng ahensya ay isang kasalukuyang patakaran na inilunsad kamakailan dahil upang matiyak ang kaligtasan at mahigpit na pagsunod ng mga residenteng motorista sa bawat batas trapiko na umiiral sa panahon ngayon.

Partikular na binigyang kaalaman ang mga namumuno sa kalsada na Public Order and Safety Office (POSO) o ang mga traffic enforcers ng bayan.

Ilan lamang sa tinalakay ng ahensya kung saan ibinahagi ni Christian Pascua, kawani ng LTO Rosales ang ukol sa naturang patakaran kung saan ito ay nakapailalim sa Republic Act No. 4136 o ang Land Transportation and Traffic Code, mga special laws at iba pang polisiya ng LTO.

Nagpapasalamat naman ang LGU Tayug sa pamamahagi ng mga kaalamang ito upang mapanatili ang ligtas at ibaโ€™t ibang patakaran sa kalsada lalong lalo ng mga enforcers sa kanilang bayan. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ

Facebook Comments