𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨 𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗞𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗔𝗬𝗘𝗡

Umaabot sa mahigit dalawang milyong piso ang nakumpiska sa Isang trentay uno anyos na ginang sa bayan ng Lingayen.

Ang suspek na Isang high value target sa usapin ng illegal drugs ay residente ng Lungsod ng Dagupan.

Ikinasa ang buy bust operation pasado alas onse ng umaga sa Barangay Libsong East sa nasabing bayan na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng anim na plastik ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 300 grams at nagkakahalaga ng ₱2,040,000.00.

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang nasabing suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments