𝗔𝗪𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗘𝗥𝗔, 𝗦𝗔𝗡𝗛𝗜 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗚𝗔𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗥𝗚𝗢𝗦 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔

Cauayan City- “Away sa pera” yan umano ang sanhi ng tagaan ng magkapatid sa Brgy. Caliguian, Burgos Isabela noong ika-7 ng Enero.
Kinilala ang biktima na si Ben Torio, 56-anyos habag ang suspek ay si alyas “Bart”, 60-anyos, at pawang mga residente ng nasabing lugar.
Sa eksklusibong panayam ng IFM News Team kay Leticia, Torio, ina ng magkapatid, kasama nya sa bahay ang suspek kung saan nagtungo ang biktima sa kanilang tahanan at tinatanong umano nito ang pera na nalikom noong last night ng kanilang bunsong kapatid at kakalibing lang nito noong Huwebes.

Dahil dito, hindi umano nagkaintindihan ang dalawa dahil sinasabi ng biktima na magkakampi ang suspek at kanyang kapatid.
Dito na nagsimula ang mainit na argumento ng dalawa at dito na naganap ang pag-aamok.
Agad na tumakbo ang suspek papalayo sa kanilang tahanan at may nakasabit na itak sa kanyang beywang habang ang biktima ay kumuha ng bolo at hinabol ang suspek sa daan.
Naabutan nya ang suspek at tinangkang tagain ito ngunit nakailag ang suspek at dito na gumanti ang suspek at pinagtataga ang biktima.
Facebook Comments