𝗟𝗢𝗧𝗧𝗢 𝗢𝗨𝗧𝗟𝗘𝗧 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗕𝗜𝗞𝗧𝗜𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗞𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗔

Cauayan City – Nalusutan ang isang lotto outlet sa Brgy. Minante 1, Cauayan City, Isabela matapos magbayad ng pekeng pera ang isang mananaya.
Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Trinidad Figuracion ang siyang teller ng naturang lotto outlet, hindi niya kaagad napansin na peke pala ang isang libong pisong ibinayad sakanya.
Aniya, nalaman niya lamang na peke pala ang isang libong piso ng iluwa umano ito ng machine sa isang bangko.

Sinabi rin nito na naalala niya na isang lalaki ang nagbayad sakanya ng perang iyon ngunit hindi nito maalala ang kanyang mukha dahil noong panahon raw na tumataya ito ay tila hindi raw mapakali ang lalaki at paalis-alis ito sa kanyang pwesto.
Naniniwala naman si Ginang Trinidad na sinadya at ipinalusot lamang ito ng taong iyon sakanya.
Ito rin daw ang unang beses na mangyari sa kanya ang ganitong insidente.
Nagpaalala naman si Ginang Trinidad sa publiko na tingnang maigi ang perang ibinabayad kung lehitimo ba ito o hindi.
Facebook Comments