Mahigit isang libo ang nadagdag sa bagong batch ng mga benepisyaryo ng DOLE-TUPAD (Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers) program sa bayan ng Bayambang.
Nasa 1, 736 na indibidwal ang kasama sa bagong batch ng mapapamahagian ng ayuda mula sa naturang programa.
Kasama ang isang kongresista mula sa ikatlong distrito at kawani mula sa tanggapan ng PESO Bayambang, pinangunahan nila ang pamamahagi ng naturang ayuda para sa mga bagong kasapi na benepisyaryo.
Malinaw na ipinaliwanag rin ng kongresista kung ano ang TUPAD program at sino lamang ang mga dapat tumanggap dito kung saan prayoridad ang mga nawalan bigla ng trabaho, mga pinaka-nangangailangan lalo na sa pinansyal na aspeto.
Ayon naman sa tanggapan ng PESO, umaabot sa P4,350 ang natanggap bawat isang benepisyaryo kabilang na rito ang mga graduate ng 4Ps at miyembro ng pamilya ng mga Barangay Health Worker, Barangay Nutrition Scholar, at Barangay Service Point Officer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨