𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗦𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡

Nagtamo ng sugat sa katawan ang 15-anyos na estudyante matapos saksakin sa loob ng San Leon Elementary School sa Balungao.

Pumunta lamang umano ang biktima upang makasabay kumain ang kapatid nito nag aaral sa naturang paaralan nang sinaksak siya ng lalaking bigla lang pumasok.

Nakilala ang suspek na si John Macoi Fontaina, stepfather ng biktima.

Ayon naman sa awtoridad, nakatakbo pa ang biktima sa suspek ngunit nahuli siya nito sa palikuran at don na sinaksak. Nakatakas ang suspek at kasalukuyang pinaghahanap. Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa naturang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments