Friday, February 20, 2026

𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗜𝗠 𝗥𝗔𝗧𝗘, 𝗜𝗡𝗔𝗡𝗨𝗡𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗘𝗟𝗖𝗢-𝗜

Cauayan City – Ipinabatid ng Isabela-I Electric Cooperative, Inc. (ISELCO-I) sa kanilang mga member-consumer-owners na magpapatupad sila ng bagong aprubadong interim rate para sa Universal Charge – Missionary Electrification (UC-ME).
 
Ayon sa abiso ng kooperatiba, ang nasabing rate adjustment ay alinsunod sa kautusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) na ipatutupad sa lahat ng distribution utilities sa buong bansa.
 
Ang Universal Charge – Missionary Electrification ay bahagi ng singil sa kuryente na inilaan upang masuportahan ang pagbibigay ng suplay ng kuryente sa mga lugar na hindi saklaw ng grid o ang tinatawag na missionary areas.
 
Dagdag pa ng kooperatiba, nananatili ang kanilang pangako sa pagbibigay ng malinaw, tapat, at napapanahong impormasyon para sa kapakanan ng kanilang mga konsyumer.
 
Pinapayuhan din ang publiko na makipag-ugnayan sa mga opisyal na channel ng ISELCO-I kung may mga katanungan o nais linawin hinggil sa bagong rate.
 
————————————–
 
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
 
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan
Facebook Comments