𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š π— π—”π—‘π—”π—’π—”π—š, π—‘π—”π—¦π—¨π—‘π—’π—š

Nasunog ang isang bahay sa bayan ng Manaoag nitong nakalipas na weekend.

Agad namang naapula ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sumiklab na sunog bandang 1:20 ng hapon sa bahagi ng Limos St. malapit sa Camp Abat sa Barangay Calaocan sa nasabing bayan.

Dahil sa masikip ang daan ay tanging ang Fire Penetrator Truck lang ng lokal na pamahalaan ang nakalapit sa pinangyarihan ng sunog habang pinalibutan at pinagtulungang apulahin ng BFP Manaoag, Mapandan, Laoac at San Jacinto ang sunog mula sa pinakamalapit nilang pwesto.

Dahil sa mabilis na pagrespondeng ito, naiwasang madamay pa ang mga katabing bahay na halos magkadikit lamang.

Samantala, iniimbestigahan pa ang sanhi at kabuuang danyos ng sunog. Wala namang naitalang nasaktan o namatay sa naturang insidente. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments