𝗟𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗩𝗜𝗗𝗔𝗗, 𝗕𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟𝗨𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗠𝗢𝗧𝗢𝗥

Napag-alaman na nasa impluwensya ng alak ang tricycle driver na si Crisanto Cabada habang tinatahak ang kahabaan ng Brgy. Poblacion East, Natividad.

Sa imbestigasyon, mabilis ang patakbo ng tricycle at nag-overtake sa sasakyang nasa harap nito. Nasakop nito ang linya ng kasalubong na motor kaya nagbanggaan ang mga ito.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang driver ng motor na si Mark Anthony Bello at sa kabutihang palad ay nakasuot ng helmet nang mangyari ang aksidente.

Nasa kustodiya ng PNP Natividad ang parehong sasakyan na napinsala para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments