
Cauayan City – Panibagong bangkay muli ng isang babae ang narekober ng ahensya ng Philippine Coast Guard habang isinasagawa ang search and rescue (SAR) dive operations mula sa lumubog na M/V Trisha Kerstin 3 sa karagatan sa Baluk-Baluk Basilan ngayong araw ika-11 ng Pebrero, 2026.
Ayon sa ulat ng PCG Technical Divers, bandang alas-7 ng umaga nang magsagawa sila ng dive operations sa wreck site.
Samantala, makalipas ang ilang minuto matapos ang pagsisid ng technical team ay kaagad na tumambad at natagpuan ang bangkay ng babaeng biktima mula sa loob ng barko.
Patuloy pa rin ang isinasagawang dive operations ng mga awtoridad upang hanapin pa ang mga nawawalang pasahero.
Sainilabas na ulat, umakyat na sa 52 na bilang ng mga kumpirmadong nasawi habang 316 ang naitalang nakaligtas at nasagip ayon sa ahensya.
Photos by: MRRV 9702 and PCG – Technical Diving Group
—————————————
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










