
βCauayan City – Naaresto ang No. 1 Municipal Top Most Wanted Person ng Alicia matapos ipatupad ang warrant of arrest kaugnay ng sexual assault at acts of lasciviousness laban sa menor de edad.
βPinangunahan ang operasyon ng Alicia MPS, katuwang ang iba pang yunit ng PNP, bilang bahagi ng kampanya laban sa mga wanted persons at krimen laban sa kabataan.
βKinilala ang suspek bilang si alyas βDax,β 19-anyos at residente ng Brgy. Aurora, Alicia.
βAyon sa pulisya, inisyu ang warrant noong Enero 9, 2026 ng RTC Branch 20, Cauayan City, na may piyansa na β±180,000 para sa sexual assault at β±60,000 para sa acts of lasciviousness sa ilalim ng RA 7610.
βMatapos ang pag-aresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine.
βKasalukuyan nasa kustodiya ng Alicia Municipal Police Station si “Dax”, habang hinihintay ang pagharap sa korte.
βSource: ISABELA PNP
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










