Itinanghal na kampeon sa 5000M Run Under 18 category ang pambato ng Pangasinan sa naganap na National Batang Pinoy 2024 Championship sa Puerto Princesa, Palawan.
Sa bilis na 15 minutes and 57.34 seconds (15:57.24) wagi sa Track and Field ang batang atleta. mula sa Lingayen na si Eric Joachim S. Hechanova na nag uwi ng gintong medalya.
Si Eric ay mag-aaral mula sa Pangasinan National High School (PNHS) sa Lingayen.
Pumangalawa naman kay Eric ang silver medalist na si Mark Jaydan Tasoy ng Aklan at bronze medal naman sa manlalaro ng Mandaluyong City na si John Lewis Abbu.
Ipinagdiwang ng kapwa mag-aaral, kaibigan at pamilya ni Eric ang pagkapanalo nito na siya ring nakapagtala ng bagong record sa nabanggit na larangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments