Wednesday, June 3, 2026

ANIM NA ORDINANSA PARA SA KAPAKANAN NG MGA DAGUPENO, NILAGDAAN NA

Pormal nang nilagdaan at ipinatupad ang isang hanay ng mahahalagang ordinansa na naglalayong patibayin ang proteksyon sa pamilya, palakasin ang kabataan, at tiyakin ang kaayusan at kaligtasan sa lungsod.

Kabilang sa mga ipinatupad ang total ban sa firecrackers at pyrotechnics upang maiwasan ang aksidente, mas mahigpit na regulasyon sa vape at heated tobacco products para sa proteksyon ng kabataan, at ang pag-institutionalize ng citywide youth engagement at volunteerism program.

Isinabatas din ang pagpapalakas ng suporta at insentibo para sa Barangay Health Workers, ang barangay-based resident at transient registration system para sa public order at disaster preparedness, at ang Ten Outstanding Policemen Award bilang pagkilala sa tapat at mahusay na serbisyo ng kapulisan.

Pinuri ang pagkakaisa ng ehekutibo at lehislatibo, sa pangunguna ng Sangguniang Panlungsod, sa pagsasakatuparan ng mga patakarang direktang tumutugon sa pangangailangan ng bawat Dagupeño tungo sa mas maunlad at mas ligtas na lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments