Sunday, February 8, 2026

𝗕𝗨𝗡𝗧𝗜𝗦 𝗡𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗡𝗨𝗘𝗩𝗔 𝗩𝗜𝗭𝗖𝗔𝗬𝗔


Cauayan City – Nasakote ng mga awtoridad ang isang buntis na babae matapos ang ikinasang anti-illegal drug buy-bust operation sa Brgy. Masoc, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si alyas “Mara”, 20-anyos, residente ng Brgy. Don Mariano Marcos ng nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, nag-ugat ang pagkakaaresto ng suspek matapos na mabentahan ang awtoridad na nagpanggap na buyer ng hinihinalang shabu.

Nasamsam sa pag-iingat ni Alyas “Mara” ang tinatayang nasa 15 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000, buy-bust money na binubuo ng isang tunay na 1000 peso bill, 31 piraso ng pekeng 1000 bill, cellphone, at iba pang kagamitan.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Bayombong Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments