Wednesday, August 5, 2026

β€Žπ——π—’π—Ÿπ—˜, π—‘π—”π—šπ—•π—œπ—šπ—”π—¬ π—‘π—š π—§π—¨π—Ÿπ—’π—‘π—š-π—žπ—”π—•π—¨π—›π—”π—¬π—”π—‘ 𝗦𝗔 π—‘π—”π—¦π—¨π—šπ—”π—§π—”π—‘π—š π— π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 𝗔𝗧 π—£π—”π— π—œπ—Ÿπ—¬π—” π—‘π—š 𝗑𝗔𝗠𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗑𝗔 π—Ÿπ—”π—•π—’π—₯π—˜π—₯

β€ŽCauayan City – Tumanggap ng tulong-kabuhayan mula sa DOLE ang isang nasugatang manggagawa at pamilya ng namatay na laborer sa Isabela matapos ang occupational safety and health (OSH) investigation.
β€Ž
β€ŽIsa sa mga benepisyaryo si Brian Ed Gamboa ng Luna na nagtamo ng bali sa paa matapos masangkot sa aksidente sa isang recycling machine noong Abril 2025 dahilan upang magtamo at pansamantalang mawalan ng kakayahang magtrabaho.
β€Ž
β€ŽKasama rin sa nakatanggap ang pamilya ng construction worker na si David Ramirez, na nasawi matapos matabunan sa gumuhong excavation noong Hulyo 2025.
β€Ž
β€ŽBawat benepisyaryo ay nakatanggap ng livelihood package na nagkakahalaga ng P20,000 sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program, kabilang ang kagamitan para sa snack cooking, vending, at frozen goods vending.
β€Ž
β€ŽLayunin nito na makapagsimula ng maliit na negosyo at madagdagan ang kita ng kanilang mga pamilya.
β€Ž
β€ŽSource: DOLE REGION 2

————————————–
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments