CAUAYAN CITY – Bilang paghahanda sa nalalapit na wet cropping season, ipagpapatuloy ng DA Regional Office 02 katuwang ang Philippine Air Force ng cloud seeding ngayong buwan ng Abril.
Ang nasabing hakbang ay upang matulungan ang National Irrigation Administration na makapag-impok ng sapat na tubig sa dam upang masuplayan ang mga sakahan na sakop nito.
Target ng DA na maulanan ang mga watershed na siyang nagbababa ng tubig sa mga dam/water impounding project sa rehiyon.
Sa ngayon aniya, kalahati pa ng P 7.5 million na pondo ng kagawaran sa cloudseeding ang siyang gagamitin para sa pagpapaulan ng mga watershed sa lambak Cagayan.
Kapag naging matagumpay ang naturang mga operasyon, maagang makapag-release ng patubig ang mga irrigation system sa rehiyon at makakapagtanim ng maaga ang mga magsasaka.