𝗖𝗢𝗡𝗦𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗧𝗘𝗗 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗣𝗢𝗥𝗧 𝗚𝗥𝗢𝗨𝗣𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝟵𝟱% 𝗣𝗔 𝗟𝗔𝗡𝗚

Umaabot pa lamang sa 95% ang tinatayang bilang ng mga jeepney na consolidated ngayon sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa Autopro One Pangasinan, ang itinuturong dahilan ay ang kakulangan ng miyembro ng ilang mga tsuper na kanilang sasalihan.

Matatandaan na ang consolidation ay mahalaga upang hindi mapabilang ang mga ito sa mga hindi na papasada sa pagsapit ng huling araw ng Abril.

Ayon kase sa guidelines na inilabas para sa PUV consolidation, kinakailangan na hindi bababa sa labing limang miyembro ang kasapi sa isang kooperatiba.

Dagdag pa ng Autopro One Pangasinan, ang ilang ruta sa lalawigan, partikular sa Barangay Mangin sa lungsod ng Dagupan, ay mayroon lamang limang jeepneys. Kaya naman, iniakyat na nila itong usapin sa tanggapan ng LTFRB para sa mga aksyong kanilang isasagawa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments