𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨 𝗞𝗨𝗠𝗣𝗜𝗦𝗞𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Umaabot sa mahigit kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa dalawang katao sa ikinasang buy bust operation sa Alaminos City.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Ferdinand Ordunio at Arene Rancudo mga residente ng Brgy. Poblacion sa nasabing lungsod.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa mga suspek pasado alas dos ng madaling araw sa Brgy. Cayucay na nagresulta sa pagkakakumpiska sa mga suspek ng labinlimang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 75 grams at nagkakahalaga ng ₱510,000.00 kasama pa ang ilang illegal drugs paraphernalia.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments