𝗖𝗒𝗑𝗦𝗧π—₯π—¨π—–π—§π—œπ—’π—‘ π—ͺ𝗒π—₯π—žπ—˜π—₯, π—§π—œπ— π—•π—’π—š 𝗦𝗔 π—œπ—Ÿπ—˜π—šπ—”π—Ÿ 𝗑𝗔 𝗗π—₯π—’π—šπ—”

CAUAYAN CITY – Sa halip na nasa trabaho, nasa kulungan ngayon ang isang construction worker matapos itong mahulihan ng iligal na droga sa Brgy. Sampaloc, Cabatuan, Isabela.

Nakilala ang suspek na si alyas “Dudong” na nakumpiskahan ng isang pakete ng white crystalline substance na hinihinalang “shabu”, buy bust money, single motorcycle, at cellphone.

Kaugnay nito, ang mga nasamsam na ebidensya at ang suspek ay dinala sa himpilan ng Cabatuan PS para sa dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.


Facebook Comments