Thursday, February 19, 2026

‎𝗖𝗢𝗡𝗧𝗥𝗔𝗖𝗧𝗢𝗥, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗘𝗦𝗧𝗔𝗙𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡

‎Cauayan City – Nadakip ng mga tauhan ng Bamboo Cops ang isang 31-anyos na lalaki na nahaharap sa kasong estafa sa isinagawang operasyon ngayong araw Pebrero 19, 2026 sa Barangay Marabulig 1, Cauayan City, Isabela.

‎Pinangunahan ng kapulisan ng Cauayan ang operasyon katuwang ang iba pang unit mula sa Isabela Police Provincial Office.

‎Kinilala ang suspek sa alyas na “Estong”, isang contractor at residente rin sa nabanggit na barangay.

‎Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong Pebrero 13, 2026 ng Municipal Trial Court in Cities sa Cauayan City para sa kasong estafa kung saan may itinakdang piyansa na nagkakahalaga ng ₱80,000 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

‎Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at nakatakdang iharap sa hukuman na naglabas ng warrant para sa kaukulang proseso.

‎Source: PNP Cauayan

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments