
β
βCauayan City – Umani ng ibaβt ibang reaksyon mula sa netizen ang mga naging pahayag ni Alvin Aragon, dating aktor at StarStruck alumnus, kaugnay sa isyu ng kanilang anak na si Sofia, na isang transwoman.
β
βIto ay matapos niyang ipagtanggol ang kanyang asawang si Izzy Trazona laban sa mga batikos na umanoβy hindi nito tinanggap ang gender identity ng kanilang anak.
β
βSa isang panayam, sinabi ni Alvin na inaakusahan si Izzy ng ilan na hindi umano nito tinanggap ang gender identity ng kanilang anak.
β
βDagdag pa nito, bilang mga magulang ay tungkulin nilang ituro sa anak ang pinaniniwalaan nilang tama batay sa Bibliya.
β
βBinanggit niya ang ilang talata at ang kuwento ng Sodom at Gomorrah upang ipaliwanag ang kanilang paninindigan hinggil sa homoseksuwalidad, at iginiit na bahagi ito ng kanilang pananampalataya.
β
βDagdag pa niya, mahalaga ang pagsisisi at paniniwala sa Ebanghelyo, at naninindigan siyang ito ang tama ayon sa kanilang pananampalataya.
β
βIlan sa mga personalidad na nagbigay ng komento ay ang kapwa SexBomb Girls member na si Sunshine Garcia, Miss Philippines Earth 2025 na si Joy Barcoma, at Kapamilya actress na si Sue Ramirez.
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










