𝗖𝗢𝗥𝗣𝗢𝗥𝗔𝗧𝗘 𝗙𝗔𝗥𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗢𝗧 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗣𝗔𝗥𝗧𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗙 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗖𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗘, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚

Ipinakilala sa mga magsasaka sa bayan ng Bayambang ang Corporate Farming Pilot Program ng Corn Banner sa ilalim ahensyang Department of Agriculture kung saan inumpisahan na sa ilang barangay sa bayan.

Nagsanib pwersa ang Municipal Agriculture office ng bayan at ng Office of the Provincial Agriculturist para sa pagsasakatuparan ng naturang programa sa bayan.

Inumpisahan na ito sa Barangay Bani kung saan may dalawampu’t dalawang farmer-cooperators at kabuuang corn production na dalawampung ektarya.

Ipinakilala rin sa mga magsasakang ito ay mga panibagong teknolohiya na siyang magagamit sa pagsasaka gaya na lamang ng paggamit ng biological control agent para sa pagbabawas ng pest infestation pati na rin ang paggamit ng chemical pesticides.

Samantala, bukod pa sa programa at nagbibigay ng farmers class ang MAO at OPAG para sa mga magsasaka ng dalawang beses kada buwan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments