
Cauayan City – Patuloy na binabantayan ng barangay District 1 ang mahigpit na pagpapatupad ng curfew hours sa kanilang barangay.
Sa panayam ng IFM News Team kay Marc De Joya, punong barangay ng District 1, sinabi nito na aktibo ang kanilang Barangay Peace Keeping Action Team sa pagroronda sa kanilang nasasakupan.
Aniya, may mga naitatala pa rin silang mga insidente ng away dulot ng alak at minsan ay sangkot rito ang mga kabataan. Dahil dito, mas pinaiigting nila ang pagbabantay at paninita sa lansangan tuwing gabi.
Aminado ang kapitan na hindi sapat ang 11 tanod upang bantayan ang bawat sulok ng Barangay kaya naman malaking tulong umano ang mga naitalagang Purok leaders na siyang madalas na tumutulong sa pag-aayos ng mga gusot sa kanilang lugar. Ang mga ito ay siya na mismong bumuo ng Purok responders at Purok tanod na naging katuwang ng BPATS.
Kung dati, marami umano silang nahuhuling kabataan na lumalabag sa curfew hour ordinance, ngayon ay mangingilan-ngilan na lamang.
Patuloy naman ang paalala ni Kapitan De Joya sa mga kabataan maging sa kanilang mga magulang na siguraduhing sumusunod ang lahat sa curfew hours upang masiguro na maiiwas ang mga ito sa masamang gawain at matiyak ang kaligtasan ng lahat.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










