Tuesday, April 21, 2026

𝗔𝗠𝗒π—₯È 𝗣𝗔π—₯π—ž 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑 π—–π—œπ—§π—¬, π—•π—¨π—žπ—”π—¦ 𝗑𝗔 𝗦𝗔 π—£π—¨π—•π—Ÿπ—œπ—žπ—’

β€Ž
β€ŽCauayan City – Bukas na sa publiko ang Festival Grounds o AmorΓ¨ Park sa lungsod ng Cauayan bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Arts Month at Happy Hearts Month.
β€Ž
β€ŽLayunin ng lungsod na itaguyod ang pagmamahal, pagkamalikhain, at mas matibay na ugnayan ng komunidad sa pamamagitan ng bagong pasyalan na ito.
β€Ž
β€ŽAyon sa pamahalaang lungsod, bukas ang AmorΓ¨ Park sa publiko mula alas-6 ng gabi hanggang alas-9 ng gabi.
β€Ž
β€ŽSamantala, dumalo sa opening ceremony si Cauayan City Mayor Jaycee Dy Jr., Vice Mayor Benjie Dy, at iba pang mga opisyal ng lungsod na nakiisa sa pagbubukas ng bagong pampublikong lugar.
β€Ž
β€ŽSource and Photo Courtesy: Cauayan City Local Government
β€Ž—————————————
β€Ž
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments