π——π—”π—šπ—¦π—” π—‘π—š π— π—šπ—” π——π—˜π—•π—’π—§π—’ π—žπ—”π—¦π—”π—•π—”π—¬ π—‘π—š π—£π—”π—š-π—¨π—¨π— π—£π—œπ—¦π—” π—‘π—š π—¦π—œπ— π—•π—”π—‘π—š π—šπ—”π—•π—œ, π—œπ—‘π—”π—”π—¦π—”π—›π—”π—‘ 𝗑𝗔 𝗦𝗔 π— π—œπ—‘π—’π—₯ π—•π—”π—¦π—œπ—Ÿπ—œπ—–π—”π—‘π—š 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗑 π—‘π—š π— π—”π—‘π—”π—’π—”π—š

Inaasahan na ng lokal na pamahalaan ang dagsa ng mga bisita at deboto kasabay ng Pag uumpisa ng simbang Gabi at misa de Gallo.
Sa naging panayam ng IFM dagupan Kay Manaoag Mayor Jeremy Agerico Rosario, nakapag-usap na aniya sila at ng pnp kaugnay dito at inaasahang libo-libo ang pupunta sa pamosong Minor Basilica of the Holy Rosary ng bayan.
Ayon sa alkalde, pinatitiyak ang presensiya ng PNP sa mga pangunahing lugar upang mapanatili ang katahimikan at kaligtasan ng mga bisita.

Maging mga traffic enforcer ng bayan ay nag-adjust ng schedule hanggang gabi upang matutukan ang Pagmando ng trapiko sa bayan ngayong Simbang Gabi at misa de Gallo.
Sa ngayon ay nasa humigit kumulang 60k hanggang 80k ang bisita ng bayan kada linggo na inaasahang mas madadagdagan pa sa pag-uumpisa ng simbang gabi. | π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨
Facebook Comments