
Cauayan City – Naghain na ng kani-kanilang aplikasyon ang dalawang kandidata mula sa lalawigan ng Isabela para sa Binibining Pilipinas 2026.
โKinilala ang mga ito na sina Kristine Guzman mula sa Lungsod ng Ilagan at Jarina Sandhu mula sa Lungsod ng Cauayan.
โOpisyal na sumabak ang dalawa sa prestihiyosong patimpalak matapos makumpleto ang kanilang aplikasyon para sa kompetisyon ngayong taon. Umaasa silang maipakita ang kanilang husay at kakayahan sa national stage.
โSi Guzman ay may matibay na karanasan sa pageantry matapos tanghaling Binibining Ilagan noong 2023 at Queen Isabela noong 2024.
โSamantala, si Sandhu ay kinoronahang Queen Isabela noong 2025 at naging bahagi rin ng Top 24 ng Miss Universe Philippines sa parehong taon.
โNakatakda namang isagawa ang huling screening ng Binibining Pilipinas 2026 sa ika-23 ng Marso, kung saan pipiliin ang mga opisyal na kandidatang lalahok sa naturang patimpalak.
โSource and photo: RCVN










