𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘, 𝗣𝗔𝗦𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗧𝗢𝗣 𝟭𝟬 𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗣𝗧𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥 𝟮𝟬𝟮𝟯 𝗟𝗘𝗧 𝗘𝗫𝗔𝗠𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗦𝗦𝗘𝗥𝗦

Inilabas na ng Professional Regulation Commission at ng Board for Professional Teachers nitong December 7 ang mga nakapasa sa naganap na Licensure Examination for Teachers nitong September 24, 2023.
Para sa elementary level, 23,782 ang pumasa mula sa 50,593 examinees. Samantalang mula sa 95,969 naman sa secondary level ay 53,995 ang pumasa. kabilang dito ang mga tubong Pangasinan na sina John Rico Ferrer Menor at Marinela Malicdem Ocampo. Si John Rico Menor na rank 9 sa Top 10 examinees ay nakakuha ng 93% rate ay nagtapos sa University of Pangasinan-Phinma sa Dagupan City.
Samantala, pride of Pangasinan State University – Bayambang Campus naman ang Top 7 na si Marinela Ocampo na nakakuha ng 93.40 % passing rate. Mula sa iFM Dagupan, isang malugod na pagbati para sainyo at sa lahat ng mga bagong tagapagsulong ng edukasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments