
βCauayan City – Agad na nailigtas ng kapulisan ang isang dalawang taong gulang na bata matapos itong aksidenteng makulong sa loob ng sasakyan sa palengke ng Barangay Poblacion 1, Santa Maria, Isabela nitong ika-20 ng Enero.
β
βBatay sa imbestigasyon, iniwan ng lola ang bata sa loob ng umaandar na kotse habang namimili ng gulay. Hindi nito namalayan na napindot ng bata ang lock ng sasakyan, dahilan upang makandado ang lahat ng pinto, habang ang duplicate na susi ay naiwan din sa loob.
β
βAng insidente ay agad na nai-report ng mga Criminology students na nakasaksi sa pangyayari.
β
βMabilis namang rumesponde si PEMS Rolly L. Carinugan, MESPO ng Santa Maria Police Station, at maingat na isinagawa ang pagbubukas ng sasakyan upang matiyak ang kaligtasan ng bata.
β
βMatagumpay na nailabas ang bata makalipas ang ilang minuto. Nagpaalala ang kapulisan sa publiko na iwasang mag-iwan ng bata sa loob ng sasakyan, kahit pa sandali lamang, upang maiwasan ang kaparehong insidente.
β
ββ—————————————
β
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










