𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗙𝗪 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢, 𝗦𝗔 𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Cauayan City – Sa kulungan ang bagsak ng isang dating OFW na kabilang sa Street Level Individual (SLI) matapos matimbog sa ikinasang buy-bust operation sa Lungsod ng Tuguegarao nitong ika-20 ng Pebrero, 2024.

Kinilala ang suspek na si alyas “Daniel”, 41-taong gulang, may asawa, at dating Overseas Filipino Workers at residente ng nasabing lugar.

Inaresto ang suspek matapos magbenta ng isang (1) piraso ng plastik sachet sa isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer, nakumpiska mula sa suspek ang (9) siyam na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu; (1) isang unit ng weighing scale; (3) tatlong piraso ng tooter; (4) apat na pirasong lighter; (1) unit ng asul na Oppo Cellphone; (1) isang pirasong tunay at (2) dalawang pekeng isang libong piso; Philippine passport; (2) dalawang pirasong ‘rolled aluminum foil’, (5) limang ‘crumpled aluminum foil’ at (1) isang pakete ng transparent plastic sachet.


Nakumpiska rin sa suspek ang dalawang gramo na nagkakahalaga ng Php 13,600.00 pesos na iligal na droga.

Sa ngayon ay nasa pansamantalang kustodiya na ng Custodial Facility ng Tuguegarao Component City Police Station ang suspek.

Facebook Comments