𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗪𝗛𝗘𝗘𝗟 𝗖𝗛𝗔𝗜𝗥 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗠𝗠𝗔𝗡𝗚𝗜 𝗖𝗢𝗣𝗦

CAUAYAN CITY- Nakatanggap ng wheel chair ang isang senior citizen na pasyente ng stroke mula sa Mammangi Cops sa Brgy. Baculud, Ilagan City, Isabela.

Ang naturang pamamahagi ay bahagi ng Project YAKAP ni Hepe (Yapak na Aagapay sa may Kapansanan Aakibat ang Pamahalaan Naipaparating at Iaalay ni Hepe) at pagdiriwang ng kapulisan ng buwan ng Puso.

Personal naman na iginawad ng Hepe kasama ang iba pang kapulisan ang paghandog sa wheelchair sa maswerteng benepisyaryo.


Laking pasasalamat naman ng pamilya ng nahandugan sa regalong ibinigay ng kapulisan sa kanila.

Facebook Comments