Nitong nagdaang taong 2023 naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pinakamababang inflation rate sa buong Ilocos Region.
Base sa datos ng PSA-Region 1, 2.3% ang naitalang inflation rate noong Disyembre 2023 kung saan ito ang pinakamabagal na paggalaw ng inflation sa rehiyon.
Ayon sa PSA, mabagal ang inflation sa mga pagkain at walang halong alak na inumin na may 5.5%.
Gayundin sa housing, water, electricity, gas, at mga petrolyo na may 5.5% na inflation.
Samantala, sa kabila ng pagbagal ng inflation sa mga nabanggit ay nakitaan naman ng bahagyang pagtaas sa ilang commodities gaya ng alak at tabako na may 7.6%.
Nakitaan din ng pagtaas ang transportasyon na may 1.2% at nasa 4.1% ang mga Personal Care and Miscellaneous Goods and Services.
Sa ngayon, nanatili pa ring mataas ang presyo ng ilang bilihin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨