𝗕𝗔𝗟𝗔𝗬 𝗦𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗕𝗜𝗡𝗨𝗞𝗦𝗔𝗡 𝗡𝗔

Binuksan at operasyonal na ang Balay Silangan Reformation Center sa lungsod ng Dagupan na pinasinayaan, ngayong araw.

Ang pagpapasinaya sa pagbubukas ng Balay Silangan ay dinaluhan ng mga opisyal ng pamahalaang panlungsod, mga kawani ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at ng PNP Dagupan.

Layunin ng naturang reformation center na magbigay tulong sa mga buhay na nagnanais talikuran ang mga posibleng epekto ng paggamit ng ilegal na droga.

Ayon sa mga opisyal, ang Balay Silangan sa lungsod ay magbibigay serbisyo sa mga drug reformers tulad ng counseling sessions, health education, values formation at personal at life skills.

Parte ang naturang proyekto sa layuning maging drug free city ang lungsod ng Dagupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments