๐——๐—ฅ. ๐—š๐—Ÿ๐—˜๐—ก๐—ก ๐—•๐—”๐—š๐—š๐—”๐—ข, ๐—œ๐—ฃ๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—ข๐—ž๐—Ÿ๐—”๐— ๐—” ๐—•๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—š๐—ข๐—ก๐—š ๐——๐—ข๐—› ๐—จ๐—ก๐——๐—˜๐—ฅ๐—ฆ๐—˜๐—–๐—ฅ๐—˜๐—ง๐—”๐—ฅ๐—ฌ

CAUAYAN CITY – Itinalaga bilang bagong Undersecretary ng Department of Health (DOH) si Dr. Glenn Mathew Baggao.

Ang pormal na pagkakatalaga kay USEC. Baggao ay sa pamamagitan ng kautusan ng Malacaรฑang na pinagtibay at nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Si USEC. Baggao ay nanilbihan ng anim (6) na taon bilang Medical Center Chief ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City, Cagayan.


Sa panahon ng kanyang serbisyo, marami ang naging development ng CVMC na lubos na nakatulong sa mga pangangailangan ng publiko.

Kabilang na nga dito ang pagsasaayos ng mga gusali, at pagkakaroon ng mga makabagong medical equipment.

Bukod dito, nagkaroon din ang ospital ng mga bagong specialty centers katulad ng Cancer Center, Acute Stroke Unit, Cardiovascular Unit, Pulmonary Unit, Molecular Laboratory, at iba pa.

Facebook Comments